Ewan

Ilang araw na rin tayong ganito. `Yung feeling ko option lang ako. Nakakalungkot. Sobra. Sinusubukan ko na lang intindihin. Tulad nga ng sinabi ko sayo, may oras ka, pero wala para sa akin. Which is true. Sige, pinagbigyan kita ngayong week dahil term break mo. Family and friends ka muna pero nagbaka-sakali parin akong magka oras ka sakin. May pasok ka na bukas. Napag-usapan din natin na mawawalan ka talaga ng time para sa atin next term dahil kailangan mong ipasa lahat ng subjects mo at pangit schedule mo. Sana sinusulit mo rin `yung time mo sa girlfriend mo. Nakakalungkot lang talaga kasi dati, hindi naman tayo ganito. Kung hindi palagi, madalas may time tayo para sa atin. Simula bukas, hindi na kita mararamdaman. Ikaw pa mismo nagsabi niyan kaya sana naman diba nagbibigay ka rin ng time mo ngayon bago maging busy schedule mo. Truth be told, hindi na ako kasing saya tulad ng dati. Buti na lang love kita. 

October 2nd at 7:35 AM
Tagged as: Personal. By.